^

Bansa

Oil firms nag-rollback

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakatanggap ng bahagyang luwag sa presyo ng petrolyo ang mga motorista makaraang limang kumpanya ng langis ang magbaba ng halaga sa kanilang mga produkto kahapon.

Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Pilipinas Shell at Seaoil Petroleum ang pagtapyas ng P1.75 kada litro sa presyo ng diesel, P2 sa kerosene at mas mababa na P.75 sentimos sa premium­, unleaded at regular gasoline.

Sinundan ito dakong alas-6 ng umaga ng Chevron Philippines, Eastern Petroleum at Phoenix sa kaparehong halaga habang ang independent oil player na Flying V ay nagbaba ng mas maliit na halaga na P1.50 sa diesel at P.50 sa gasolina.

Muling ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis ang galaw ng presyo ng petrolyo sa internasyunal na merkado na dahilan ng kanilang rollback.

Bago ang rollback, umaabot na sa P 1.75 kada litro­ ang naitataas sa presyo ng diesel, P.80 sentimos sa gasolina at P1.55 sa kerosene sa buong buwan ng Hunyo.

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

EASTERN PETROLEUM

FLYING V

HUNYO

NAKATANGGAP

PILIPINAS SHELL

PRESYO

SEAOIL PETROLEUM

SINUNDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with