Falcon palabas na ng Phl
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagkilos ng bagyong Falcon kahapon ng umaga papuntang Japan at inaasahang lalabas na ito ng bansa ngayong Sabado.
Ayon sa PAGASA, si Falcon ay namataan sa layong 330 kilometro silangan ng Basco, Batanes ganap na alas-10 ng umaga taglay ang lakas ng hanging 85 kilometro bawat oras malapit sa gitn at may pagbugso hanggang 100 kilometro bawat oras.
Gayunman, sinabi ni Robert Sawi, weather forecaster, na apektado pa rin ni Falcon ang isang bagong low-pressure area (LPA) na namataan pero hindi naman ito kinakikitaan ng posibilidad na maging bagyo.
Magdadala pa rin ng mga pag-uulan sa ibat ibang panig ng bansa ang LPA dahil sa pinag-iibayo nito ang habagat o southwest monsoon.
Ngayong Sabado, si Falcon ay inaasahang nasa layong 500 kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes at bukas ay inaasahang nasa layong 1,030 kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes o nasa layong 370 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Okinawa, Japan.
Gayunman, nananatiling nasa ilalim ng storm signal no. 1 ang mga lugar ng Calayan, Babuyan Group of Islands at Batanes Group of Islands kaya pinapayuhan ang mga residente sa lugar na ito na mag-ingat sa inaasahang flashfloods at landslides.
- Latest
- Trending