^

Bansa

Pinas aarmasan ng US!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Estados Unidos na handa nilang bigyan ng mga makabago o modernong mga armas ang Pilipinas bilang depensa sa gitna ng umiinit na tensyon at bangayan sa pagitan ng China sanhi ng pinag-aagawang Spratly Group of Islands sa West Philippine Sea.

Sa ginanap na pulong sa pagitan nina Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario at US Secretary of State Hillary Clinton sa Washington D.C., sinabi ni Clinton na handang magbigay ng mga modernong military equipment ang US para sa Armed Forces of the Philippines upang tumayo at makipagsabayan sa giyera para maipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.

“We are determined and committed to supporting the defense of the Philippines,” ani Clinton sa isang pulong balitaan kasama si del Rosario sa Washington D.C. kahapon.

Ani Clinton, pinag-aaralan at pinag-uusapan na ng US at Phl ang mga hakbangin upang madetermina ang mga karagdagang assets na kailangan ng Pilipinas na siyang ibibigay naman ng Amerika.

Sinabi pa ni Clinton na nakatakdang maki­pagkita si del Rosario kay Defense Secretary Robert Gates at iba pang Pentagon officials upang talakayin ang seguridad at depensa ng Pilipinas. 

“We are concerned that recent incidents in the South China Sea could undermine peace and stability,” ayon pa kay Clinton kasabay ng panawagan nito sa mga claimants na maghinay-hinay sa sitwas­yon.

Iginiit naman ni del Rosario, bagaman maliit ang Pilipinas ay handa itong tumayo at dumipensa sa mga agresibong pagkilos laban sa mga malalaking bansa na pumapasok sa sariling bakuran o teritoryo ng bansa.

Sinabi ng Kalihim na umaasa ang Phl government na malaki ang maitutulong ng US na mai-upgrade ang mga military equipment ng AFP lalo na sa Philippine Navy.

Naglaan na si Pangulong Aquino ng P11 bilyon o $252 milyon upang mai-upgrade ang mga kagamitan sa Navy.

Magugunita na ipina­dala ng Pilipinas sa Spratlys ang Rajah Humabon, ang dating US Navy vessel na ginamit sa World War II at isa sa pinaka-lumang warships. 

Bukod sa China, ka­sa­ma sa mga bansang umaangkin sa Spratlys ay Vietnam, Taiwan, Brunei at Malaysia.

Si del Rosario ay nasa Washington D.C. mula sa imbitasyon ni Clinton upang patatagin ang alyansa ng Pilipinas at Amerika.

AMERIKA

ANI CLINTON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CLINTON

DEFENSE SECRETARY ROBERT GATES

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SEC

PILIPINAS

WASHINGTON D

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with