1M lagda vs K+12 lalarga
MANILA, Philippines - Habang isinusulong ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang K+12 program ay nangangalap naman ngayon ng isang milyong lagda ang isang bagong tatag na grupo para tutulan ang nasabing programa ng departamento.
Ayon kay Jessica Anoos, tagapagsalita ng grupong No to K+12 program, sinisimulan na nila ang pangangalap ng mga lagda ng mga magulang na ayaw sa dagdag na dalawang taon na pag-aaralan ng mga bata sa paaralan.
Sinabi ni Anoos, magpapahirap lamang sa mga mag-aaral at dagdag na gastusin para sa kanila ang K+12 program ng DepEd.
Aniya, sa oras na makumpleto nila ang isang milyong lagda ay isusumite nila ito sa tanggapan ni Education Secretary Armin Luistro para ipabatid na hindi pabor ang maraming magulang sa nasabing programa.
Inihayag ni Anoos, ang dapat umanong gawin ng gobyerno at ang mismong tanggapan ni Secretary Luistro ay solusyunan ang kakulangan ng mga silid aralan, guro, upuan, banyo at libro.
- Latest
- Trending