MANILA, Philippines - Pinarusahan ng Sandiganbayan si Leyte Mayor Arnold James Ysidro nang mapatunayang nagkasala kaugnay ng pagkain para sa pansariling gamit ang mga bigas at monggo na para sana sa programa ng gobyerno para sa mahihirap na mamamayan ng naturang bayan.
Sa desisyon ng 2nd division ng anti-graft court, napatunayan na nagkasala si Ysidro sa kasong illegal use of public property nang gamitin nito sa pansarili ang apat na sako ng bigas na may halagang P3,280 at 16 kilo ng monggo na may halagang P616 .00.
Ang bigas at monggo ay nakalaan sa mahihirap na mamamayan ng bayan ng Leyte para sa supplemental feeding program sa ilalim ng Food for Work Program ng gobyerno noong 2001.
Kaya lang sa ginawang ito ni Ysidro, pinagmumulta lamang ito ng korte ng P1,500 at maaari lamang itong makulong kung hindi babayaran ang naturang halaga.