^

Bansa

De Lima sablay ka!

- Nina Gemma Garcia at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Binuweltahan ng anak ni dating Pangulong Joseph Estrada si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa umano’y pahayag nito na posibleng ipatawag sa mu­ling pagbubukas ng im­bestigasyon ng Dacer-Corbito double murder case ang dating Pangulo.

Ayon kay San Juan Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito, walang killer instinct ang kanyang ama kaya’t pinayuhan nito si de Lima na huwag itong idamay sa naturang kontrobersiya.

Giit pa ni Ejercito, huwag gamitin ang dating Pangulo para sa kanyang publicity upang sumikat dahil sa mayroon umano itong planong tumakbong Senador sa 2013 elections.

Ang reaksyon ng Kongresista ay bunsod sa naunang pahayag ni de Lima na ipapatawag ng Department of Justice (DOJ) si Estrada sa sandaling mapatunayan na ito ang “Bigote” na tinutukoy sa testimonya ni dating Police Senior Supt. Cezar Mancao.

Duda rin umano si Ejercito na mayroon nang usapan si Pangulong Noynoy Aquino at Senador Panfilo Lacson na magturo ng iba upang pagbintangan na siyang utak sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Ipinagtataka naman ni Lacson kung papaano gagamitin ng DOJ sa imbestigasyon ang affidavit ni Mancao kung saan nabanggit na sangkot sa kaso ang isang “bigote” gayong idineklara na umano ng Court of Appeals na ‘incredible’ at hindi mapagkakatiwalaang testigo si Mancao.

Ipinunto pa ni Lacson na maging ang Korte Suprema ay hindi kinontra ang naging deklarasyon ng CA laban kay Mancao kaya’t malinaw umanong ibinasura na ang testimonya ni Mancao.

Hinamon ni Lacson si de Lima na sa halip na protektahan si Mancao ay tanggalin na ito sa witness protection program.

Nagbabala pa si Lacson na maaaring maharap sa technical malversation of public funds si de Lima kung patuloy na gagastusan ng pondo ng DOJ ang isang testigo na idineklara na ng korte na isang ‘incredible’ witness.

vuukle comment

BUBBY DACER

CEZAR MANCAO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EJERCITO

EMMANUEL CORBITO

JOSEPH VICTOR

JUSTICE SECRETARY LEILA

LACSON

MANCAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with