^

Bansa

Bagyong Falcon naman ngayon pagkatapos ni Egay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nang makalabas ng bansa si Egay ay si bagyong Falcon naman ngayon ang nakapasok sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Falcon ay namataan  dakong 10:00 ng umaga kahapon sa layong 670 kilometro ng Silangan Borongan, Eastern Samar.

Ayon kay  Boy Soriaga, weather observer ng PagAsa  taglay ni Falcon ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito at kumikilos sa Kanluran Hilagangkanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Ngayong Miyer­ku­les si Falcon ay inaasa­hang nasa 440 kilometro ng Silangan ng Virac,Catanduanes at nasa layong  420 kilometro ng Silangan Hilagangsilangan ng Casiguran, Aurora sa Huwebes ng umaga at sa Biyernes ng umaga nasa 350 kilometro ito ng Silangan ng Basco Batanes.

Ayon pa kay Soriaga patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Kanluran bahagi ng Luzon, ilang bahagi ng Visaya at Mindanao dahil  na rin sa  epek­to ng Hanging Habagat o South West  Monsoon.

AYON

BASCO BATANES

BOY SORIAGA

EASTERN SAMAR

HANGING HABAGAT

KANLURAN HILAGANGKANLURAN

NGAYONG MIYER

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SILANGAN

SILANGAN BORONGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with