^

Bansa

Buy Filipino first movement bubuhayin ng FPI, FFCCII

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Bubuhayin ng Federation of Philippine Industries (FPI) at Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCI) ang ‘buy Filipino, buy local’ movement.

Sinabi ni FPI chairman Jesus Aranza, hihilingin din nila kay Pangulong Benigno Aquino III na suportahan nito ang re-launching ng ‘buy Filipino, buy local’ movement.

Ayon kay Aranza, unang inilunsad ang ‘buy Filipino first movement’ sa panahon ni yumaong Pangulong  Cory Aquino kaya inaasahan nilang todo-suporta din si Pangulong Aquino.

Idinagdag pa ng FPI chairman, nagpapasalamat din sila sa Pangulo sa pag­lagda sa Executive Order 45 na nag-uutos na buwagin ang kartel at monopolyo sa pagnenegosyo.

Wika pa ni Aranza, ito ay hakbang upang protektahan ang mga negosyante at para masiguro ang fair playing field.

Hiniling din ng grupo sa Pangulo na palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa smuggling na lubhang nakakaapekto sa pagnenegosyo sa bansa. 

ARANZA

AYON

CORY AQUINO

EXECUTIVE ORDER

FEDERATION OF FILIPINO-CHINESE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

JESUS ARANZA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with