Fun run/walk ng DepEd para kay Rizal tuloy kahit umuulan
MANILA, Philippines - Natuloy at naging matagumpay ang idinaos na fun run/walk ng Department of Education (DepEd) kahapon, para gunitain ang ika-150 taong kaarawan ng pambansang bayaning si Gat Jose Rizal.
Libu-libong tao ang tinatayang lumahok sa selebrasyon na pinanguna-han ni Education Secretary Armin Luistro.
Layunin ng naturang selebrasyon na makalikom ng donasyong gamit at serbisyo para sa ikakabuti ng sitwasyon ng edukasyon sa bansa.
Ang fun run/walk sa National Capital Region ay ginanap sa Quirino Granstand sa Luneta, dakong alas-6:00 ng umaga, gayundin sa iba’t ibang panig ng bansa.
- Latest
- Trending