^

Bansa

Am­bassador Lee isasalba ang Phl-China relations

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kikilos si Philippine am­bassador to China Domingo Lee upang paya­pain ang umiinit na tension sa pagitan ng Pilipinas at People’s Republic of China dulot ng sigalot sa Spratly Group of Islands.

Ito ang paniniwala ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakama­ laking samahan ng mga negosyante sa bansa, na lalo pang titibay ang relasyon ng Pilipinas at China sa pagkatalaga ni Pangulong Aquino sa negosyanteng si Lee bilang ambassador sa People’s Republic of China.

Ayon kay PCCI president Francis Chua, ang mga katulad ni Lee ang ka­ilangan ng bansa upang “hilutin” ang umiinit na relasyon ng Pilipinas at China bunga ng ‘territorial dispute’ sa Spratlys.

Inaasahan din nilang lalago pa ang relasyong kalakalan ng dalawang bansa kasama na ang industriya ng turismo sa sandaling magampanan ni Lee ang kanyang mis­yon bilang “alter ego” ni Pang. Aquino sa mainland China.

Dagdag ni Chua, ma­taas ang respeto kay Lee hindi lang ng Fil-Chinese community bagkus kahit sa hanay ng mga Tsino sa mainland China na ma­gagamit umano ni Lee upang palakasin at patatagin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon pa sa ibang ta­gamasid, epektibong ma­gagampanan ni Lee ang kanyang misyon dahil sa personal siyang kakilala ni Pang. Noynoy at matalik na kaibigan ng kanyang namayapang ama na si ex-Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

vuukle comment

AQUINO JR.

AYON

CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

CHINA

CHINA DOMINGO LEE

FRANCIS CHUA

PILIPINAS

REPUBLIC OF CHINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with