^

Bansa

8 Pinoy pupugutan sa Saudi

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Walong overseas Filipino workers na nakatakda nang bitayin sa Saudi Arabia ang pinasasagip kay Pangulong Aquino.

Nanawagan kahapon ang Migrante-Middle East at mga pamilya ng mga OFWs na hindi dapat pang magpatumpik-tumpik ang pamahalaan sa mga hakbangin nito upang iligtas sa tiyak na kamatayan sina Dondon Lanuza, magkapatid na Rolando at Edison Gonzales, Eduardo Arcilla, Joselito Zapanta, Carlito Lana, Ryan Tolen at Edgar Maligaya.

Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator­ ng Migrante-ME, sina Lanuza, Zapanta at Lana ay nakapatay lamang dahil sa pagtatanggol sa kanilang sarili habang si Maligaya at ang magkapatid na Gonzalez ay iginigiit na isinangkot lamang sa krimen.

Nabatid sa Migrante na si Tolen naman ay na­saksak at napatay ang kanyang kapwa manggagawa matapos ang mainitang pagtatalo.

Ang mga nabanggit na Pinoy ay nasentensyahan na ng kamatayan maliban sa kaso nina Tolen at Maligaya na nananatiling dinidinig ang kaso sa korte.

Nangangamba ang pamilya ng walo dahil anu­mang oras ay ipatutupad ang sentensya matapos na huling na-execute noong Mayo, 2011 ang may 15 katao sa Saudi.

Sa batas ng Saudi, ang parusang kamatayan ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo.

CARLITO LANA

DONDON LANUZA

EDGAR MALIGAYA

EDISON GONZALES

EDUARDO ARCILLA

JOHN LEONARD MONTERONA

JOSELITO ZAPANTA

MALIGAYA

MIGRANTE-MIDDLE EAST

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with