Laguna de Bay, ligtas sa fishkill
MANILA, Philippines - Ligtas sa fishkill ang lawa ng Laguna kayat walang dapat ipangamba ang mga taong kakain ng mga isda na mula rito dahil sapat ang oxygen para sa mga isda at iba pang aquatic life.
Batay sa isinagawang water sample analysis ng Laguna Lake Dvelopment Authority (LLDA) sa limang major stations sa west, east at south bays ng Laguna de Bay, pasado ito sa lebel ng dissolved oxygen criterion na itinatakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa class C waters tulad ng lawa.
Ang dissolve oxygen ay kailangan para mabuhay ang mga isda at ang biglaang pagbaba nito ang nagbubunga ng fishkill.
Patuloy naman ang monitoring ng LLDA sa lawa upang agad makapagbigay ng babala sa mga mangingisda at fishpen operators kung biglang magbago ang kalidad ng tubig.
Muli ding ipinaaalala ng LLDA sa publiko na huwag magtapon ng basura sa Laguna Bay dahil nakapagpapababa ito ng lebel ng oxygen sa lawa. Ni Angie dela Cruz
- Latest
- Trending