^

Bansa

12 counts ng graft, malversation vs solon

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ikinasa ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro na kasuhan na sa San­diganbayan ng 12 counts ng graft at malversation  si North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan dahil sa umano’y paglustay sa P18.6 milyon pondo ng pamahalaan noong  2008.

Ang kaso ay nag-ugat ng gobernador pa si Sacdalan ng Cotabato nang ap­ru­­­­bahan nito ang pagpa­pa­labas ng ca­lamity fund at ibili ng gasoline sa Midsayap at Kidapawan City.

Ginamit din umano ang bahagi ng naturang pondo sa rehabilitasyon ng San Vicente-Bulcanon road sa Bayan ng Makilala at sa Nicaan-Banisilan road sa Bayan ng Alamada.

Ayon sa complainant na si dating district engineer Milagros Cais, ang halagang ipinalabas ni Sacdalan  ay sobra sobra para matapos ang natu­rang proyekto.

Paulit-ulit anya siyang inutusan ni Sacdalan na rebisahin ang road pro­jects para itago ang ire­gularidad sa fuel purchase.

Inutos din umano ni Sacdalan ang pagba­ba­­­yad ng gasoline na hindi pa natatanggap ng kanilang provincial govt.

Ayon sa Ombudsman, may probable cause para kasuhan si Sacdalan dahil ang calamity fund ay para lamang sa panahon ng kalamidad gagamitin at hindi sa ibang proyekto ng lalawigan nito.

ACTING OMBUDSMAN ORLANDO CASIMIRO

AYON

BAYAN

JESUS SACDALAN

KIDAPAWAN CITY

MILAGROS CAIS

NORTH COTABATO REP

SACDALAN

SAN VICENTE-BULCANON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with