MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng panganib sa kalusugan at kapaligiran, umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tuluyan pagbabawal ng paggamit ng asbestos sa bansa. Ayon kay Labor acting Secretary Danilo Cruz, ang mga programang laban sa paggamit ng asbestos ay kabilang sa international trade na gaganapin sa Geneva, Switzerland.
Suportado aniya ng Bureau of Working Conditions ang panawagan ng DOLE na igiit sa nasabing convention sa Switzerland na isama na sa listahan ng mga delikadong kemikal ang asbestos upang magkaroon ng legal embargo laban dito sa global level. Nabatid na tuloy-tuloy pa rin ang pag-aangkat ng asbestos sa bansa na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang construction materials tulad ng fiber cement board, tiles, at iba pa.