^

Bansa

Live coverage ng Maguindanao trial aprub

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines -  Pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng iba’t ibang media networks at organisasyon para sa live coverage sa paglilitis sa mga suspect ng Maguindanao massacre.

Mayorya ng mga mahistrado ang pumabor sa petisyon upang maipalabas at maipakita ang paglilitis sa pamamagitan ng live media coverage sa kasong hawak ngayon ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Nakasaad sa petis­yon na ang pagbasura sa naunang ruling ng SC na maipalabas ang court proceeding ay paglabag sa right to information at freedom of the press.

Kasama sa naturang petisyon ang kahilingan ni Pangulong Aquino kay Chief Justice Renato Corona na maipalabas ng live ang trial ng mga Maguindanao suspects.

Umaabot sa 198 ang sinasabing sangkot sa pamamaslang sa 57 katao sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Kabilang na dito ang makapangyarihang pamil­ya ng Ampatuan sa pa­ngunguna ni dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr.; anak na si Andal Jr., dating Datu Unsay town mayor; Sajid at Zaldy, ang suspendidong governor ng ARMM.

Ang Maguindanao massacre ay kinokonsi­derang pinakamarahas na political violence sa bansa kung saan 32 mamamahayag ang namatay.

vuukle comment

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL JR.

ANG MAGUINDANAO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DATU UNSAY

KORTE SUPREMA

MAGUINDANAO

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with