P16.2-B natipid ng PCSO
MANILA, Philippines - Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nakapagtipid ng P16.2-B matapos ibasura ang isang 50-taon kontrata na nagkakahalaga ng P42-B na nilagdaan ng dating administrasyon ng ahensya sa isang Australian firm nung administrasyong Arroyo para sa supply ng thermal papers sa lotto.
“Dahil ang ahensya ngayon ay bumibili ng nasabing papel sa ibang suppliers, ang PCSO ay nakakatipid ng P27-M buwan-buwan. Ang halagang ito ay katumbas ng dagdag na 5,400 na mahihirap na pasyente buwan-buwan na amin nang pinaglilingkuran,” pahayag ni PCSO Chair Margie Juico.
Idiniin pa ni Juico: “Kung tutuusin, itong dagdag na 5,400 poor patients bawat buwan ay siya ring dami ng mahihirap na pasyente na di napaglingkuran ng ahensya nung adminis-trasyong Arroyo.”
Sa isang resolution na pinagtibay nung Abril 15 ng PCSO Board of Directors, ipinahayag nito ang joint agreement sa pagitan ng ahensya at ng TMA Group of Companies ay walang bisa “for patent violation of applicable rules and regulations.”
“Wherefore, the board resolved to revoke Resolution No. 2171, Series of 2009, dated 24 November, 2009 approving the JVA between PCSO and TMA,” part of the resolution reads. Juico, directors Francisco Joaquin III, Aleta Tolentino and Betty Nan- tes ang nagpatibay ng na turang board resolution.
Binanggit ng resolution ang opinion ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na nagpapatibay na ang supply agreement ay “in guise of contractual joint venture is void and non-existing because it is undertaken to circumvent Republic Act 9184 in the procurement of supplies and evaded COA audit. The resolution also revoked an earlier Resolution 2171, Series of 2009 which approved the 50-year, P42-B deal.”
Idiniin pa ni Tolentino na ang mandato ng ahensya ay limitado sa fund-raising para sa charity, mula sa horse races at lottery at hindi sa produksyon ng supply ng thermal papers para sa lotto tickets.
“Kabaga-bagabag na ang kontrata ay tinatali ang PCSO sa loob ng 50 taon sa isang supplier. Kwestionable ito at disadvantageous sa pamahalaan, “dagdag ni Tolentino.
- Latest
- Trending