Comelec walang nakitang dayaan sa Marikina poll
MANILA, Philippines - Matapos ang limang araw ng pagbubukas ng mga balota, walang nakita ang mga opisyales ng Commission on Elections (Comelec) na nagkaroon ng dayaan noong nakaraang halalan sa buong Marikina.
Ito ang naging resulta at kasagutan sa inihaing manual recount ng talunang mayoralty candidate na si Alfredo Cheng na nagresulta pa ng dagdag pang maraming boto para kay de Guzman.
Dahil dito, ikinatuwa ng mga city hall employees, political leaders at ng mga abogado ni de Guzman na sina election lawyer Nicolas Nicolas at Magnum Agpaoa sa agarang pagresolba ng protesta ni Cheng laban kay de Guzmam.
Matapos lamangan ng halos 86, 000 boto noong May 11 eleksyon, naghain ng manual recount si Cheng, isang kandidato ng Lakas-NUCD na pumangatlo lamang sa apat na kumandidato para sa pagka-alkalde.
Si de Guzman, na kandidato ng Liberal Party, ay landslide na nanalo matapos magkamit ng 101, 495 na boto at nilamangan si Cheng ng 85, 460 na boto.
Paliwanag ni Nicolas, isinantabi ang protesta ni Cheng dahil hindi siya nakakuha ng 20 porsiento o ng 17,000 boto sa 58 presinto na kinukwestyon ni Cheng.
- Latest
- Trending