^

Bansa

Pamina sa Romblon bawal na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na sa lalawigan ng Romblon ang pagmimina maging ang small o medium mining exploration.

Ito’y matapos maaprubahan sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang House Bill 4815 na inakda ni Romblon Rep. Leandro Madrona na nagdedeklarang mining free zone ang Romblon.

Sinabi ni Madrona na naging unanimous ang pag-apruba sa naturang panukalang batas ng mga miyembro ng House committee on natural resources makaraang ilang mayor ng lalawigan ang umano’y makatanggap ng pressure para bigyan sila ng permit para sa mining exploration sa lalawigan kapalit ng mga inaalok na trabaho, ilang proyektong pang-imprasktraktura at pagtatayo ng mga school building sa lokalidad.

Binanggit pa ni Madrona ang records ng Mines of Geosciences Bureau (MGB) na nagpapakita ng matin­ding panganib sa mining residue na idudulot ng pagmimina sa katagalan na siyang pangunahing kinatatakutan ng mga residente ng apektadong komunidad.

Sa mga huling datos mula sa Department of Agri­culture, ang Romblon ay ka­bilang na sa mga nakakaranas ng pagbaha, landslides, storm surges at typhoons na sumira na sa mga pananim at hayupan na umaabot sa P100 milyon.

Umaasa si Madrona na ang kanyang panukalang batas ay maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo.

BINANGGIT

DEPARTMENT OF AGRI

HOUSE BILL

IPAGBABAWAL

LEANDRO MADRONA

MINES OF GEOSCIENCES BUREAU

ROMBLON

ROMBLON REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with