Bagyong Dodong narito na!
MANILA, Philippines - Naging ganap na bagyo na ang Low Pressure Area na namataan sa Kanluran ng Metro Manila at pinangalanan na itong bagyong ‘Dodong’.
Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG ASA), ang LPA ay isa nang ganap na bagyo na si Dodong.
Sa latest update ng Pag Asa ganap na alas-11 ng umaga kahapon, si Dodong ay nasa may 60 kilometro ng timog kanluran ng Iba Zambales taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro malapit sa gitna at kumukilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras sa direksiyon ng hilaga hilagang kanluran.
Ngayong Biyernes, si Dodong ay inaasahang nasa layong 210 kilometro ng Kanluran ng Laoag City at nasa layong 440 kilometro Kanluran-Hilagang Kanluran ng Basco Batanes sa Sabado.
Bunsod nito, ang babala ng bagyo bilang isa ay nakataas sa Bataan,Pampangga,Tarlac, Zambales, Pangasinan, Cavite at Metro Manila sa Luzon.
- Latest
- Trending