^

Bansa

Sekyu ng BSP ikinadena ang sarili sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines -  Isang security officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ikinadena ang sarili sa tapat ng Senado upang maaksyunan ang kanyang reklamo.

Nangyari ang insidente dakong alas-11 ng umaga habang busy ang mga senador sa apat na magkakahiwalay na hearing sa ikalawang palapag ng Senado.

 Nakilala ang suspek na isang Jesus Tacata na diumano’y isang security officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nais paimbestigahan kay Sen. Chiz Escudero ang ipinapatupad na salary structure sa BSP simula noong 2005 na para sa kanya ay lugi silang rank and file employees.

Talo umano sa nasabing Salary Structure ang mga rank-and-file employees dahil “8 steps increase” ang ibinigay sa mga opisyal ng BSP pero “one step” lamang para sa mga rank-and-file, ayon kay Tacata.

Kinailangan pang gamitan ng  lagareng-bakal ng mga taga Office of the Seargeant-at-Arms (OSSA)  upang maputol ang kadenang ginamit ni Tacata sa pagtali sa kaniyang sarili upang hindi kaagad makaladkad palabas ng gate.

BANGKO SENTRAL

CHIZ ESCUDERO

ISANG

JESUS TACATA

KINAILANGAN

OFFICE OF THE SEARGEANT

PILIPINAS

SALARY STRUCTURE

SENADO

TACATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with