^

Bansa

GMA scholar silat

- Nina Rudy Andal at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines -  Inamin kahapon ng Palasyo na hindi na maitutuloy ang scholarships ng ‘bangkang papel boys’ bagkus ay tanging ‘ study now pay later plan’ lamang ang puwedeng ipagkaloob dito ng Malacañang.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inalok na nila ang bangkang papel boys na dating iskolar ni Mrs. Arroyo ng study now, pay later plan subalit tinanggihan nila ito.

Wika pa ni Valte, malinaw naman sa bangkang papel boys na hanggang 2010 lamang ang scholarship na ipinagkaloob sa kanila ni dating Pangulong Arroyo subalit nang inalok sila ng Aquino administration ng study now, pay later plan ay tinanggihan nila ito.

Aalamin din ng Palasyo ang kinakaharap ding suliranin ng may 70 iba pang scholars ng nakaraang administrasyon.

Idinagdag pa ni Valte, walang halong pulitika ito dahil nakasalalay dito ang edukasyon ng mga kabataan.

Samantala, umalma si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo dahil sa hindi pagbabayad ng tuition fees ng Malacañang sa mga scholars nito na kanyang tinawag na “Bangkang Papel Boys” na binanggit niya sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na naging simbolo ng pagiging Pangulo.

Ayon sa tagapagsa­lita ng dating Pangulo na si Elena Bautista-Horn,nadiskubre lamang nila na inihinto na ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang pagbibigay ng tuition fee kay Erwin Dolera,graduating student sa Trinity University of Asia sa kursong Bachelor of Arts Major in Communication Art at presidente din ng student council nang humingi ng tulong sa kanila ang bata.

Si Dolera ay isa sa tatlong Bangkang Papel Boys na sumulat ng kanilang pangarap at pag asa para sa kanyang pamilya sa isang bangkang papel na pinadala sa Malacañang matapos ang Payatas tra­gedy kung saan isa ang kanilang bahay sa nasira noong 2000,kabilang sa mga kasama nito sina Jason Banogan at Jomar Pabalar.

Nilinaw ni Horn na sa loob ng siyam na taon ay sinasagot ng DSWD ang pag-aaral ni Dolera subalit ngayong taon na malapit nang magtapos sa kolehiyo ang bata ay saka pa ito ihihinto ng ahensya.

Ipinaliwanag naman kay Jocelyn Lagang ,Social Welfare Officer 3 ng Program Management Bureau  ng DSWD, ang budget para sa scholarship ng dating Pangulo ay magmumula sa Presidential Management Staff (PMS) at wala pang nakalaan na pondo para ngayong taon.

Giit ni Horn, kuwestiyunable at kadudaduda ang ginawa ng PMS dahil alam na pasukan na nga­yong Hunyo ay hindi pa ginawang prayoridad ang naturang mga estudyante.

BACHELOR OF ARTS MAJOR

BANGKANG PAPEL BOYS

COMMUNICATION ART

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

ELENA BAUTISTA-HORN

ERWIN DOLERA

GLORIA ARROYO

MALACA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with