^

Bansa

Convoy ni Binay naaksidente sa New York

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Naaksidente ang convoy ni Vice-President Jejomar Binay sa Estados Unidos pero maswerte na walang nasaktan sa entourage nito.

Sa pahayag ng Office of the Vice-President, kinumpirma nitong nasa ligtas na kalagayan si Binay at hindi nasugatan sa insidente dahil lulan siya sa hiwalay na sasakyan matapos na ang mini-van na kanyang sinusundan ay nabangga ng isang pick-up truck dakong alas-8:30 ng umaga (U.S. time). Hindi rin nasugatan ang mga kasamahan ni Binay mula sa naka-banggang van.

Si Binay, tumatayo ring  Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Presidential adviser on Overseas Filipino workers’ (OFWs) concerns, ay umalis sa  bansa noong Hunyo 3 ng alas-10 ng gabi sakay ng Philippine Airlines flight PR-102  para sa dalawang linggong pagbisita at pakikipagpulong sa mga matataas na opisyales ng key shelter agencies (KSA) at tingnan ang kalagayan ng mga OFWs sa Estados Unidos.

Ang Bise Presidente ay nasa New York,USA upang  makipag-dayalogo  sa Filipino communities sa Rockland County, New York City, Washington, Philadelphia at Monterey.

Nakatakda ring duma­lo ang Bise Presidente sa flag raising at Independence Day parade sa Hunyo 5 sa New York City;  flag raising sa Hunyo 12 sa Washington, at  Rizal Day celebration sa Hunyo 17 sa Monterey.

Ayon kay Binay, ang gagawin niyang study program sa US ay isang malaking oportunidad upang makakuha ng kaa­laman sa mga eksperto na kanyang iaaplay naman umano sa Pilipinas upang mapaganda ang housing system sa bansa.

Sasailalim si Binay kasama ng mga KSA executives sa Wharton School, University of Pennsylvania mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 16.

Ang nasabing programa ay pamamagatang “Housing Finance in a Changing Global Environment,” kung saan tata­lakayin dito ang mga may kaugnayan sa housing policies tungong microfinancing para sa pabahay.

vuukle comment

ANG BISE PRESIDENTE

BINAY

BISE PRESIDENTE

CHANGING GLOBAL ENVIRONMENT

ESTADOS UNIDOS

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

HOUSING FINANCE

HUNYO

NEW YORK CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with