^

Bansa

Access ng China sa Phl satellite pinangambahan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pangamba si Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco na baka mapaluhod ng China ang Pilipinas dahil umaasa rin sa una ang telecommunication system ng huli.

Nanawagan siya sa pamahalaan na simulang maghanap ng kapalit sa inaasahang pagkawala ng Agila 2 na siyang una at tanging communication satellite ng Pilipinas.

“Sa tingin ko, dapat ikonsidera ang hidwaan sa Spratlys habang naghahanap tayo ng kapalit ng Agila 2,” sabi pa ng mambabatas.

Kilala rin bilang Mabuhay 1 ang Agila 2 na magkakatuwang na proyekto ng Mabuhay Satellite Corporation at ng iba’t-ibang kumpanya sa People’s Republic of China, Indonesia at sa Pilipinas.

Pinuna ni Haresco na, bagaman nasa MPSC Space Center sa Subic Bay Freeport Zone ang control station ng satellite, pawang produkto naman ng PROC ang teknolohiyang ginamit sa paggawa nito.

Ginawa niya ang pahayag dahil kabilang ang China at Pilipinas sa mga bansang nagtatalo at nag-aagawan sa Spratlys.

Sinabi pa niya na, dahil merong access ang China sa Agila 2, madali nitong malulumpo ang communication system ng Pilipinas.

AGILA

GINAWA

KASANGGA PARTYLIST REP

MABUHAY SATELLITE CORPORATION

PILIPINAS

REPUBLIC OF CHINA

SPACE CENTER

SPRATLYS

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

TEODORICO HARESCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with