^

Bansa

Same sex marriage naman!

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Posibleng magkaroon na rin ng panukalang “same sex marriage” sa Ma­babang Ka­pulungan ng Kongreso sa sanda­ling pumasa at maisabatas ang divorce.    

Sinabi ni CIBAC party list Rep. Sherwin Tugna, na hindi mala­yong magkaroon na rin ng same sex marriage bill sa san­daling pumasa ang divorce bill sa Kamara kaya mahigpit umano niya itong tinutulan.

Bukod dito, ang panukalang diborsyo ay magbibigay daan sa mas malaking problema kung saan makokompromiso ang moralidad ng mga Pilipino sa halip na gumawa ng solusyon.

Idinagdag pa ni Tugna­ na, kapag pina­yagan ang mga nabanggit na panukalang ba­tas at lu­musot sa Kongreso, ma­laki na rin ang posibilidad na mas marami pang panukalang labag sa moralidad at paniniwala ng mga Pilipino ang maihain tulad na lamang ng pagligalisa sa aborsyon.

Ayon naman kay Eas­tern Samar Rep. Ben Evardone, hindi im­posibleng magkaroon ng same sex marriage bill sa Kamara suba­lit baka mas mahirap umano itong makalusot at maisabatas.

Matatandaan na ini­hain ni Gabriela party list Reps. Luzviminda Ila­gan at Emmie de Jesus ang House bill 1799 o “An Act Introducing Di­vorce in the Philippines” upang matugunan ang karahasan sa mag-aasawa kung saan ang siguradong ma­ki­kinabang umano dito ay mga kababaihan.

Samantala, posibleng suportahan ni Sena­tor Francis “Chiz” Escudero ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsiyo sa Pilipinas kung ang dahilan sa pagsusulong nito ay maging “accessible” at “affordable” ang legal na pamamaraan nang paghihiwalay ng mag-asawa.

Pero agad na nili­naw ni Escudero na  sa ngayon ay wala pa siyang pormal na posis­yon sa isyu ng divorce lalo pa’t hindi pa naman nadadala sa Senado ang panukalang batas na pi­nagtatalunan ngayon sa House of Representatives.

“Mahirap at ayoko munang gumawa ng position pero kung gaga­wing mas accessible at affordable, wala akong nakikitang pagtutol dun pero iba yung magiging accessible at affordable sa padadaliin ang pro­seso at pagaanin yung grounds,” pahayag ni Escudero sa Kapihan sa Senado.

Ayon kay Escudero, sa ngayon ay para lamang sa mga mayayaman at may pera ang annulment kung saan palaging isinasangkalan ang psychological incapacity at hindi para sa mga mahihirap.

vuukle comment

AN ACT INTRODUCING DI

AYON

BEN EVARDONE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAMARA

KONGRESO

LUZVIMINDA ILA

PILIPINO

SAMAR REP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with