Torres balik LTO na

MANILA, Philippines - Tinotoo ni DOTC Secretary Ping de Jesus ang kanyang pangako na kung sakaling babalik sa LTO ang nagbabakasyon nitong hepe na si Virgie Torres ay magbibitiw ang una sa tungkulin. Ang pagbabalik ni Torres sa LTO ang sinasabing dahilan umano ng pagre-resign ni de Jesus.

Sinasabing malakas sa administrasyong Aquino si Torres kaya inaasahan na ang pagbabalik nito sa naturang ahensiya matapos ang dalawang buwang bakasyon.

Habang si Torres ay nasa LTO, iba’t ibang legal at administrative problems ang kinasangkutan ng ahensiya gaya ng tangkang pag-takeover sa IT provider ng LTO na Stradcom ng Sumbilla group dahilan para mahinto ang operasyon ng ahensiya ng kalahating araw.

Dapat umanong gayahin ni Torres si Bureau of Corrections Chief  Ernesto Diokno na nagkabutas sa pagtupad sa tungkulin ay agad na nagbitiw sa puwesto for delicadeza.

Isinusulong ni Torres ang pagbabalik sa manual system sa operasyon ng LTO o mano-mano na babalik na naman sa pagkakaroon ng mga pekeng papel ng mga sasakyan at drivers license. Sa ngayon sa ilalim ng computerization system, 30 minuto lamang ang inaabot sa transactions sa LTO at mahirap makalusot ang mga car syndicate at smugglers.

Show comments