Marcos burial sa 'Libingan' dedesisyunan na!
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Vice President Jejomar Binay na inaasahang ngayong linggo ay iaanunsyo na ni Pangulong Aquino ang desisyon sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ang pahayag ni Binay, tumatayo ring Presidential adviser on OFWs affairs ay isinagawa sa pagpapasinaya ng Pimentel Institue for Leadership and Governance sa University of Makati.
Ipinaliwanag ni Binay na ang ginawang survey ng kanyang tanggapan ay base sa pulso ng masa at sa isinagawa nilang iba’t ibang konsultasyon. Aniya, binigyan din ng halaga ang sentimyento ng lahat ng sektor.
Nitong Abril nagpalabas ng mga sulat ang Office of the Vice President sa mga political parties, civic organizations, senators, at mga mambabatas na naglalayong makagawa ng multi-sectoral consultation sa usapin kung ililibang ba o may karapatan bang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.
Nagsagawa rin ng text and e-mail survey ang OVP hinggil sa Marcos burial upang magkaroon ng partisipasyon ang publiko para sa kanilang saloobin at opinyon hinggil sa nasabing isyu.
Sinabi ni Binay na ang pinal na desisyon para sa Marcos burial ay balanse o magiging patas.
- Latest
- Trending