Pag-overhaul sa prison system inutos ni PNoy sa DILG, DOJ
MANILA, Philippines - Pinakilos ni Pangulong Noynoy Aquino ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) na magtulungan sa pag-overhaul sa prison system sa bansa.
Binigyang diin ng Pangulo na marapat lamang na maisaayos sa lalung madaling panahon ang pagbusisi sa mga sistemang ipinaiiral sa mga kulungan sa bansa upang maiwasan ang pagkakaloob ng VIP treatment sa mga prominente at kilalang mga bilanggo.
Sa ilalim anya ng kanyang administrasyon, walang mayaman, walang mahirap ang trato sa mga bilanggo at dapat dito ay pantay pantay.
Mas mainam anya na magkaroon ng agad na pagbabago sa mga sistemang ipinatutupad sa loob ng mga kulungan sa bansa para magsilbi itong lugar para magbago ang bawat nagkasala sa batas at hindi lugar ng karahasan, pagsisiksikan at hindi makataong pagtrato sa ilang mga bilanggo.
- Latest
- Trending