PNoy, Bolkiah may 'one-on-one'

BANDAR SERI BAGAWAN, Brunei - Magkakaroon ngayon ng one-on-one meeting sina Pangulong Aquino at Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’zzadin Waddaulaha ng Brunei kaugnay sa 2-araw na state visit ni PNoy dito.

Lulan ng kanyang presidential plane mula sa Villamor Airbase ay darating ngayong alas-10:30 ng umaga si Pangulong Aquino kasama ang kanyang delegasyon sa Bandar Seri Begawan International Airport.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa Brunei na gaganapin sa Rizqun International Hotel. Nasa 14,000 ang Pinoy workers dito na pawang mga engineers, guro at hotel staff.

Sasaksihan din ni Aquino ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa turismo, agrikultura, shipping and trade at sports sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Brunei.

Show comments