^

Bansa

Ex-BuCor chiefs gigisahin sa 'VIP treatment'

- Gemma Amargo-Garcia -

Manila, Philippines - Nais ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na magsagawa ng malalim na im­bestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa mga nagdaang director ng Bureau of Corrections (Bucor) upang magbigay linaw sa umano’y natatanggap nilang “pressures” mula sa mga opisyal ng gobyerno at pulitiko para sa pagbibigay ng special treatment sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ang panawagan ni Colmenares ay kasunod ng pagbubunyag ni dating Bucor director Dionisio Santiago na tinangka ni da­ting First Gentleman Mike Arroyo at iba pang pulitiko na mamagitan kay dating Misamis Occidental Mayor Reynaldo Yap para sa VIP treatment nito.

Giit ng kongresista, kung totoo ang pahayag ni Dio­nisio ay malinaw na lumabag ang dating Unang Ginoo sa Anti-Graft and Corrupt Act sa ilalim ng Section 3a dahil sa pang-iimpluwensya ng iba pang public official upang lumabag sa regulasyon tulad ng Bucor.

Sinabi pa ni Colmenares na hihintayin muna nila kung ano ang magiging rekomendasyon ng DOJ fact finding team at DILG.  

Subalit sa sandali uma­nong hindi sila makuntento sa rekomendasyon ay ipapa­tawag nila si Justice Secretary Leila de Lima at DILG Sec. Jessie Robredo para hu­marap sa isang congressional inquiry.

Bukod naman kay Dio­nisio dapat din umanong im­bestigahan si dating NBP di­rector Ricardo Calderon kaugnay sa nasabing isyu.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT ACT

BAYAN MUNA REP

BUCOR

BUREAU OF CORRECTIONS

COLMENARES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIO

DIONISIO SANTIAGO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JESSIE ROBREDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with