Caloocan top performer sa NCR vs tigdas

MANILA, Philippines - Nasungkit ng lungsod ng Caloocan ang top performer sa buong National Capital Region (NCR) matapos itong kilalanin ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na kampanya laban sa sakit na tigdas.

Dahil dito, pinapurihan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang lahat ng doctors, midwifes, nurses, barangay health workers at city health department team na patuloy na nagsasagawa ng door to door na pagbabakuna sa mga sanggol na siyam na buwang gulang hanggang pitong taon.

Ayon kay Echiverri, ang Ligtas Tigdas campaign ay sinimulan noong April 4 hanggang May 4 at nakapag-bakuna na sa 230,400 sanggol kung saan ay target ng lokal na pamahalaan n a mabakunahan ang 274,000 sanggol dahilan upang palawigin pa ang kampanya hanggang May 30, 2011.

Dahil sa kampanyang ito ng lokal na pamahalaan ay maililigtas ang 95% na kabuuang populasyon ng mga kabataan sa lungsod na nagkakaroon ng tigdas na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan

Show comments