^

Bansa

2 Pinay patay sa buhawi sa US!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dalawang Pinay ang kabilang sa may 123 patay na naitala sa pananalasa at pagbayo ng buhawi sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs kahapon, kinilala ang mga nasa­wing sina Grace Aquino at Esterlita Moore, pawang sa Missouri.

Umabot naman sa 15 hanggang 20  minuto bago naalis ng mga rescuers ang mga nawasak na parte at debris ng simbahan at dito natagpuan si Grace na yakap-yakap ang anak na si Jacob at himalang nabuhay ang bata na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Bukod sa Missouri, dinaanan at hinagupit din ng buhawi ang Oklahoma at Kansas na may anim katao ang namatay habang 60 ang sugatan.

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa nasabing mga estado upang mabatid kung may mga Pinoy pang naapektuhan sa tornado o ipu-ipo na pinakamatinding tumama sa kasaysayan ng US simula noong 1947.  

vuukle comment

AYON

BUKOD

DALAWANG PINAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

ESTADOS UNIDOS

ESTERLITA MOORE

GRACE AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with