^

Bansa

Pasaway at adik na bus drivers , tututukan ng tanggapan ni Joy B

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Prayoridad ng tangga­pan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagsasagawa ng ran­dom drug test sa mga bus driver dahil sa kadala­sang ang mga aksidente sa lungsod partikular sa “killer highway” na Commonwealth Avenue, ay posibleng dulot ng pagkagumon ng mga driver sa bawal na gamot .

“Marami sa mga bus drivers natin, nagmama­neho under the influence of drugs kaya dapat matu­tukan talaga ang pagsa­sagawa ng random drug tests para sa mga driver,” dagdag ni Belmonte.

Una nang lumagda sa isang memorandum of agreement si Vice Mayor Belmonte sa pagitan ng mga katuwang nitong tanggapan at institusyon na magpapatupad ng Road Safety Signages sa Commonwealth Avenue Project.

Aniya, malaking tulong ang naturang proyekto upang mabawasan ang mga aksidente sa Commonwealth Avenue.

Ang proyektong ito ay isang private public partnership (PPP) na inisponsor ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Metro Manila Development Authority (MMDA), tanggapan ni QC 2nd District Rep. Winston Cas­ telo, at Ako Bicol Party­list na kinatawan ni Rep. Rodel M. Batocabe.

Nasa P10 milyon ang halaga ng naturang mga signages na ilalagak sa ilang istratehikong lugar sa Commonwealth Avenue.

“Tingin ko signages lang talaga ang kulang. Alam mo na mahigpit sa pagpapatupad sa lahat ng batas pati sa jaywalking hindi lang nai-inform ang publiko. Sa palagay ko ef­fective ito,” pahayag pa ni Belmonte.    

AKO BICOL PARTY

BELMONTE

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH AVENUE PROJECT

DISTRICT REP

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with