^

Bansa

Hirit ni Rolito Go 'wag payagan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ang Department of Justice (DOJ) na magtalaga ng isang grupo ng mga doktor sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para gamutin ang mga “living out pri­soners” na tulad ni convicted mur­derer Rolito Go na umamin na araw-araw siyang lumalabas ng kulungan noong nakaraang taon para sa kanyang hospital check-up.

Umapela si Mrs. Rosario Maguan, ina ng road rage victim na si Eldon, kay DOJ Secretary Leila de Lima na ibasura ang aplikasyon ni Go na makalabas ng bilibid ngayong Lunes para sa kanyang medical treatment dahil ginagamit na umano itong alibi para mabisita ang kanyang pamilya sa Quezon City umpisa pa noong taong 2008.

Nadiskubre ni Mrs. Maguan ang “indefinite passes” na inisyu ng DOJ noong nakaraang taon kay Go para makalabas ng NBP compound ay expired na.

Nabatid din ni Mrs. Maguan na ang medical abstract findings ng Las Piñas General Hospital, na inisyu noong December ng nakaraang taon ay hindi nagsasaad na may serious at life threatening na sakit si Go.

“Ang alam namin ay nagpapamasahe lang si Mr. Go sa Makati tuwing umaalis ng Bilibid at hindi nagpagamot,” ayon kay Mrs. Maguan. 

Taliwas ito sa pahayag ni Go na mayroon siyang colon cancer at kailangang halos araw-araw lumabas ng bilibid para sa kanyang radiation at chemotherapy sessions.

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL HOSPITAL

LAS PI

MR. GO

MRS. MAGUAN

MRS. ROSARIO MAGUAN

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

QUEZON CITY

ROLITO GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with