^

Bansa

Kamara pasok sa kaso ni Leviste

Nila - Gemma Garcia/Butch Quejada -

Manila, Philippines - Magsasagawa na rin ng imbestigasyon sa susunod na linggo ang Kamara kaugnay sa paglabas ng New Bilibid Prison (NBP) ni dating Batangas governor Antonio Leviste.

Ayon kay Committee on Justice Chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., sisimulan na nila sa Mayo 25 ng taong kasalukuyan ang “moto propio” investigation o ang sarili nilang hakbang sa pag-iimbestiga kaugnay sa nasabing insidente.

Paliwanag ni Tupas, na ang isang preso na nakakalabas ng kulungan ng ilang beses sa iba’t ibang okasyon ay mala­king kahihiyan sa sistema ng hudikatura ng bansa.

Kabilang naman sa ipapatawag ng ko­mite ang mga opisyal ng Bureau of Corrections, Bucor director Ernesto Diokno, opis­yal mula sa Department of Jus­tice (DOJ) at mula sa Board of Pardons and Parole.

Nauna na ring iniha­yag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na magsasagawa ang Senado ng katulad na imbestigasyon.

Si Leviste ay naaresto noong Mayo 18 sa labas ng pag-aaring LP buil­ding sa Makati kung saan wala itong otorisasyon o pases upang lumabas sa paligid ng NBP sa Muntinlupa City kung saan siya magsisilbi ng 6-12 taong pagkakakulong matapos na masentensyahan ng Makati Regional Trial Court (RTC) dahil sa pagpatay sa kanyang aide na si Rafael delas Alas noong Enero 12,2007.

BOARD OF PARDONS AND PAROLE

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUS

ERNESTO DIOKNO

ILOILO REP

JUSTICE CHAIRMAN

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

NIEL TUPAS JR.

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with