^

Bansa

DOTC pinakilos ni PNoy sa Simbulan bus accident

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Bilang pagtalima sa ka­utusan ni Pangulong Aqui­no na walisin ang mga kaskaserong driver sa lansa-ngan, agad binuo ni DOTC Secretary Jose “Ping” de Jesus ang Run After Speed Violators (RASV) na tututok sa mga humahagibis na mga sasakyan partikular sa kahabaan ng Commonwealth Ave., na kinilala ring killer highway kung saan naaksidente at namatay si UP Professor at veteran journalist Chit Estella Simbulan.

Ang RASV ay pamumunuan ni DOTC Undersecretary for Road Transport Dante Velasco kasama si dating LTO Chief at ngayo’y DOTC consultant Alberto Suansing.

Ayon kay Suansing, target din ng RASV kasama ang HPG, LTFRB at DOTC Action center na ikutin ng kanilang grupo ang kahabaan ng Edsa at Quezon Avenue kung saan madalas na nagaganap ang aksidente dahil sa mga kumakaripas na mga sasakyan dito laluna ng mga pampasaherong bus.

Sinabi ni Suansing na mas malakas ang operas­yon ng panghuhuli ng RASV tuwing dis-oras ng gabi at madaling araw, ang panahon na maraming bilang ng aksidente ang naiiulat sa mga lansangan.

Mahigpit na pinaiiral ang 60 kph speed limit sa Commonwealth.

ALBERTO SUANSING

CHIT ESTELLA SIMBULAN

COMMONWEALTH AVE

PANGULONG AQUI

QUEZON AVENUE

ROAD TRANSPORT DANTE VELASCO

RUN AFTER SPEED VIOLATORS

SECRETARY JOSE

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with