House rules on Voting gustong baguhin
MANILA, Philippines - Naghain ng panukalang batas si Navotas Cong. Toby Tiangco na humihiling na amyendahan ang House rules na nagpapahintulot sa mga miyembro na ipaliwanag ang kanilang boto kapag ang isang bill ay pinagbobotohan ng maging batas.
Nakasaad sa Section 117 ng kasalukuyang House rules na kailangan lang nag paliwanag sa isang boto matzos na ihayag nag result ng Secretary General.
“That’s the wrong order, it’s like putting the carriage before the horse. The whole point of giving an explanation of your vote is to air all the issues in open debate and convince undecided members to one’s argument. This would be legislative due process,” sabi ni Cong. Tiangco.
Hinikayat ni Tiangco ang Committee on Rules na ibalik nag Section116 ng Rules ng14th Congress kung saan marring ipaliwanag ng isang miyembro nag kanyang boto ng hindi hihigit sa 3 minute bago ang botohan nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataong makarinig ng maraming opinion bago sill bumoto.
“We have important bills pending before the House, like the RH bill, which is why we must have rules that are in consonance with the principles of legislative due process,” dagdag pa ng solon.
- Latest
- Trending





















