^

Bansa

Bulusan Kumalma

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kumalma ang bulkang Bulusan sa Sorsogon ka­hapon matapos itong makapagtala ng 144 volcanic quakes noong Martes.

Ayon sa Phivolcs, 2 volcanic quakes lamang ang naitala nila sa nakalipas na 24 oras pero hindi ito nangangahulugan na maaaring lumapit dito ang publiko.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr, bawal pang lumapit ng sinuman sa loob ng 4 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan at ugaliin pa rin ang pagiging mapagmasid ng mga tao doon dahil maaari pa ring  magkaroon ng steam-driven explosion sa Bulusan at delikado ito sa mga tao.

Nananatili naman sa Alert Level 1 ang bulkan na ang ibig sabihin ang source ng aktibidad ng bulkan ay hydrothermal at shallow.

Pinayuhan din ni Solidum ang mga residenteng nakatira sa may hilagang kanluran at timog kanluran ng bulkan na mag ingat sa banta ng ashfalls.

ALERT LEVEL

AYON

BULKAN

BULUSAN

KUMALMA

NANANATILI

PHIVOLCS

PHIVOLCS DIRECTOR RENATO SOLIDUM JR

PINAYUHAN

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with