^

Bansa

Para iwas sakit, magbisikleta - Pnoy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hinihikayat ni Pangulong Aquino ang lahat ng mamamayan ng bansa na sanayin ang sarili na mag-ehersisyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng non-communicable diseases (NCDs) na siya umanong pangunahing dahilan ng pagkamatay.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa inilunsad na “Ehersisyo Pangkalusugan Para sa Lahat 2011” ng Department of Health sa Quezon Memorial Circle kahapon.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni P-Noy na ang improper diet at kakula­ngan sa exercise ay ang major cause ng NCDs gaya ng diabetes, hypertension at cardiovascular diseases.

Tututukan din aniya ng kanyang administrasyon ang pagbibigay solusyon sa kawalan ng pagkakapantay pantay sa natatanggap na serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino.

“Kailangan natin ang isang malusog at matatag na sambayanan upang mapabilis ang atin pong pag-unlad. Handa na pong umarangkada muli ang ating bansa tungo sa finish line kung saan ang lahat ng Pilipino ay panalo, masigla at masagana,” wika ng Pangulo.

Sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi pa rin daw niya ititigil ang paninigarilyo.

Kahapon ng umaga ay kasamang nag-bike ng Pangulo ang kanyang Cabinet officials sa paligid ng Quezon City Memorial Circle.

Una nang naiulat noong pagpasok ng 2011 na aasahan umano ang isang pala-exercise na Pangulong Noynoy Aquino.

Magugunitang marami ang pumupuna sa paninigarilyo ng Pangulo at umano’y pagkahilig nito sa computer games at billiards.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, magi­ging regular na umano ang pagbibisikleta ng Pangulo lalo pa’t may bago itong bike.

DEPARTMENT OF HEALTH

EHERSISYO PANGKALUSUGAN PARA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SEC

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

RICKY CARANDANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with