^

Bansa

PNoy magbibisikleta ngayon sa Quezon Memorial Circle

- Ni Malou Escudero -

Manila, Philippines - Pangungunahan nga­yong umaga ni Pangulong Aquino sa pamamagitan nang pagbibisikleta ang paglulunsad ng exercise program ng Department of Health na tinawag nilang “Ehersisyo Pangkalusugan Para sa Lahat 2011”.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, magbibisekleta ang Pangulo samantalang ang ibang mga miyembro ng Gabinete ay sasama sa paglalakad at pagtakbo.

Dadalo rin sa selebrasyon si Health Secretary Enrique Ona na humihikayat sa mga ma­mamayan na regular na mag-ehersisyo bilang panlaban sa lahat ng uri ng sakit.    

Inirerekomenda rin ng DOH ang regular na paglalakad,  jogging, running, biking, volleyball, sipa, arnis, futsal, wall climbing, badminton, basketball, aerobics para sa mga bata at Tai-Chi/pilates at Yoga.

Sinabi ni Valte na magsisimula ang programa alas-6:30 ng umaga kung saan ang mga pupunta sa Quezon Memorial Circle ay may mga magmumula sa Trinoma, UP-Diliman at Sandiganbayan sa Commonwealth.

Layunin rin ng programa na maiwasan ng mga mamamayan ang mga nakamamatay na sakit ngayon sa pamamagitan ng ehersiyo ka­tulad ng cardiovascular disease, chronic respiratory diseases, at diabetes.

ABIGAIL VALTE

AYON

DADALO

DEPARTMENT OF HEALTH

EHERSISYO PANGKALUSUGAN PARA

ENRIQUE ONA

HEALTH SECRETARY

PANGULONG AQUINO

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with