^

Bansa

Contraceptives scam totoo - Recto

- Ni Malou Escudero -

Manila, Philippines - Kinumpirma ni Sen. Ralph Recto na hindi nakarating sa lalawigan ng Batangas sa nakalipas na 3 taon ang mga nakalaang contraceptives dito.

Kinastigo din ni Sen. Recto si dating Health Sec. Esperanza Cabral sa pagsasabing sinisi­raan lamang ito ni Senate Majo­rity Leader Vicente Sotto III dahil sa tutol ang mambabatas sa pagpasa ng Reproductive Health bill.

Magugunita na ibi­nunyag ni Sotto na uma­bot sa P2.6 bilyon ang na­wawalang pondo para sa family health care kung saan kabilang ang pondo para sa contraceptives.

Ayon kay Recto, ma­tapos lumabas ang ulat, mismong si Batangas Gov. Vilma Santos ang uma­lam kung may naka­rating bang delivery ng contraceptives sa mga bayan dito sa nakalipas na 3 taon.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni Gov. Vilma na walang nakarating na delivery ng mga contraceptives sa Batangas mula 2008 hanggang 2010.

“Sa budget deliberation last year, sinabi ng DOH na may worth P2.8 milyon ang naideliber daw noong 2008; P3.7 milyon noong 2009 at P8.9 million noong 2010. Kagad kong tinawagan si Gov. Vi at nang ipa-tsek namin ito sa aming health, finance at iba pang opisyales, wa­lang nang­­ya­ring delivery,” pahayag ni Recto.

Wika pa ni Sen. Recto, si Cabral ang dapat tumahimik at hindi dapat nito pinepersonal si Sen. Sotto sa kanyang posis­yon sa RH bill.

Sinabi naman ni Se­nate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na hindi dapat ga­miting alibi ni Cabral ang pagiging anti-RH bill ni Sotto at sa halip at dapat nitong sagutin ang isyu ng nawawalang pondo para sa mga contraceptives.

BATANGAS

BATANGAS GOV

CABRAL

ESPERANZA CABRAL

HEALTH SEC

LEADER VICENTE SOTTO

PRO-TEMPORE JINGGOY ESTRADA

RALPH RECTO

SHY

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with