'Wag pangunahan si PNoy!
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Palasyo ang mga nagnanais na makakuha ng puwesto sa Aquino administration na huwag nilang pangunahan si Pangulong Aquino sa mga itatalaga nito sa Gabinete matapos ang 1-year ban sa mga natalong kandidato sa nakaraang May 10, 2010 elections.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, mas mabuting hintayin na mismong si Pangulong Aquino ang mag-anunsiyo kung may itatalaga itong bago sa kanyang Gabinete.
Ginawa ni Carandang ang panawagan matapos ianunsiyo mismo ni dating Bukidnon Rep. Nerius Acosta na siya ang ipapalit ni PNoy bilang DENR chief kapalit ni Ramon Paje.
Bukod kay Acosta, nagpahiwatig din si dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na nais makuha ang Defense o DoT post habang ang natalong runningmate ni Aquino na si dating Sen. Mar Roxas ay itatalaga naman bilang Presidential Chief of Staff na may Cabinet rank.
Sina Acosta at Biazon ay kapwa natalo sa nakaraang senatorial elections na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party (LP) na partido ni Aquino.
- Latest
- Trending