^

Bansa

P22 COLA 'win-win solution' - DOLE

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - ‘Win-win solution’ ang P22 COLA.

Ito naman ang tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz kung saan sinabi nito na ang dagdag na P22 sa cost of living allowance ng mga manggagawa sa Metro Manila ay ang pinakamalapit sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na P25 wage hike upang maiwasan ang epekto nito sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Baldoz, wala ding tax sa nasabing COLA adjustment kaya buong-buo na matatanggap ng mga manggagawa.

Pabor din umano sa mga employers dahil hindi ito maisasama sa kuwentahan ng overtime o night differential pay.

Sa mga hindi kuntento rito, inihayag ni Baldoz na maari itong iapela sa National Wage and Productivity Commission.

Gayunman, tuloy umano ang effectivity ng COLA adjustment makalipas ang 15 days na publication sa pangunahing pahayagan.

Nilinaw din ni Baldoz na COLA at hindi emergency COLA ang matatanggap ng mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Kapag sinabing emergency COLA ay mapapa­kinabangan lamang ang naturang benepisyo sa panahong may emergency, di tulad ng COLA na hindi na pwedeng bawiin hanggang sa maidagdag sa minimum na sahod ng manggagawa.

AYON

BALDOZ

BANGKO SENTRAL

COLA

GAYUNMAN

KAPAG

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

METRO MANILA

NATIONAL WAGE AND PRODUCTIVITY COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with