^

Bansa

Militar mag-aaklas

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Posible umanong magresulta ng demorali­sasyon sa hanay ng mga sundalo ang pagpabor ng Sandiganbayan sa plea bargain agreement ni retired Major General Carlos Garcia.

Babala ito ni dating Armed Forces Chief of Staff (AFP) at Muntinlupa Rep.Rodolfo Biazon na nagsabing hindi malayong mag-aklas ang mga sundalo dahil nakita nilang walang mananagot sa pagwaldas at pagbulsa sa pondong panustos sa kanilang pa­ngangailangan.

Giit nito, dapat uma­nong tiyakin ng gobyerno na magpapatupad ito ng kongkretong reporma sa AFP lalo sa pondong laan sa logistics ng mga sun­dalong sumasabak sa mga giyera.

Nabatid na sa halip na direktang ibigay sa mga sundalo ang pondo ay kinakaltasan umano ito ng mga opisyal ng AFP para umano sa kanilang mga Chief of staff.

Hinikayat naman ni House Deputy Speaker Erin Tañada ang House Committee on Justice na magsampa ng kaso laban sa mga Mahistrado ng Sandiganbayan na nag-apruba ng plea bargain deal ni Garcia.

Gagamitin umanong ebidensya ang resulta ng imbestigasyon ng Kamara sa plea bargain kung saan napatunayan na may naganap na iregularidad sa kasunduan sa pagitan nina Garcia at ng Ombudsman.

Anya, kikilos ang Kamara dahil hindi naman maaring magsagawa ng moto propio investigation ang Korte Suprema tungkol sa mga posibleng pag­labag ng mga mahistrado maliban na lang kung may maghahain ng reklamo.

Naniniwala naman si Marikina Rep. Miro Quimbo na lalo lang pinahina ng anti-graft court ang kampan­ya kontra sa katiwalian ng administrasyong Aquino.

Magbibigay lamang umano ito ng maling sen­yales sa mga whistleblower at magdudulot ng takot sa mga taong nais magsiwalat ng anomalya sa gobyerno.

Matatandaan na ina­prubahan ng Sandiganbayan 2nd division ang plea bargaining agreement sa pagitan ng Ombudsman prosecutors at ni Garcia dahil sa sumunod umano ito sa requirements para proteksyunan ang gobyerno kabilang na dito ang pag turn-over ng kanyang P135 milyon assets na halos kalahati ng P303 milyon na umano’y ninakaw nito sa AFP.

ARMED FORCES CHIEF OF STAFF

GARCIA

HOUSE COMMITTEE

HOUSE DEPUTY SPEAKER ERIN TA

KAMARA

KORTE SUPREMA

MAJOR GENERAL CARLOS GARCIA

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with