^

Bansa

Pekeng Stradcom lawyer, nabuslo ng QC police

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Armado ng warrant of arrest mula sa Quezon City Metropolitan Trial Court branch 42, nabuslo ng mga elemento ng QC police ang pekeng Stradcom lawyer na si Atty. Jer B. Samson, abogado ng isang Bonifacio Sumbilla dahil sa umano’y pamemeke ng dokumento.

Si Samson ay pina­dakip ng QC court ng ma­patunayang may pro­bable cause upang ma­kasuhan sa salang pagpapakilala na siya ay isang corporate secretary ng Stradcom Corp., ex­ clusive IT provider ng  Land Transportation Office, gamit ang pekeng 2010 Ge­neral Information Sheet (GIS) ng Stradcom nang mag-file sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Disyembre 2010.

Ang pekeng dokumento ang ginamit umano ng grupo ni Sumbilla noong nakaraang taon upang puwersahang i-take over ang naturang kumpanya dahilan para masugatan ang mara­ming empleyado ng Stradcom at mahinto ang operasyon ng LTO.

Binigyang diin ni Margaux Salcedo, spokesman ng Stradcom na bunga ng pangyayaring ito ay masasabing close book na ang pag-aangkin ng grupo ni Sumbilla at Aderico Yujuico­ na sila ang legiti­mate owners ng Stradcom.

vuukle comment

ADERICO YUJUICO

BONIFACIO SUMBILLA

INFORMATION SHEET

JER B

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARGAUX SALCEDO

QUEZON CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

SHY

STRADCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with