^

Bansa

Lasing nagti-text, hulog sa tricycle, tepok

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 23-an­yos na lalaki na umano’y lasing, matapos na mahulog sa sinakyang tricycle habang umano’y nagte-text sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Louie Villareal, 23, residente ng Lavander St., Brgy. Ma­yamot, Antipolo City.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng tricycle na sinakyan ng biktima, na nakilalang si Bernard Allan Acero, 36, ng Rosita St., Paliparan, Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Sa imbestigasyon na­ganap ang insidente dakong alas-12:00 ng mada­ling araw kahapon sa kanto ng Virginia at Lazaro Sts., sa Brgy. Sto. Nino, Marikina City.

Sa kuwento sa pulisya ni Acero, igagarahe na umano niya ang kaniyang tricycle (UX-3286) nang parahin siya ng umano’y lasing na biktima at nagpapahatid sa tahanan nito.

Sa halip naman uma­nong sa loob ng sidecar, ay nag-backride ang biktima at umangkas sa likuran ng driver.

Nang lumiko umano ang tricycle ay nakarinig umano ng kalabog si Acero at nang kaniyang tingnan ay nakita niyang naka­handusay na sa kalsada ang biktima, matapos na mahulog sa tricycle.

Kaagad umanong binalikan ni Acero ang biktima, binuhat at isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, ngunit binawian rin ito ng buhay.

Sinasabing hawak-hawak pa ng biktima ang cellphone nito nang buhatin ng driver, kaya’t hinala ng pulisya na nagte-text ito kaya nahulog sa tricycle.

ACERO

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BERNARD ALLAN ACERO

BIKTIMA

BRGY

LAVANDER ST.

LAZARO STS

LOUIE VILLAREAL

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with