^

Bansa

Pacquiao pinakamayamang congressman

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Si Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao ang kauna-unahang bilyonaryong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Atty. Ricardo Bering, chief ng Records Division sa Kamara base sa isinumiteng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ng mga mambabatas, lumalabas na si Pacquiao ang pinakamayaman.

“He declared more than a billion pesos networth,” wika ni Bering sa tanggapan ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap.

Hindi pa naman pinapalabas ni Yap ang official report ng SALN ng mga kongresista dahil noong Abril 30 pa lamang umano ang deadline ng paghahain ng mga ito ng mga dokumento ng kanilang yaman, subalit siniguro nito na si Pacman ang pinakamayaman.

Lumalabas na nadaig na ni Pacman ang yaman ng mag-asawang Sen. Manny Villar at dating Congresswoman Cynthia Villar na siyang pinakamayaman sa Kongreso subalit hindi naman umabot sa bilyon ang kanilang kayamanan.

Matatandaan na noong 2009 ay idi­ne­k­lara ni Congw. Villar ang kanilang SALN na umaabot sa P947,883,619.

Kinumpirma rin ni Be­ring na bukod kina Ang Galing Pinoy party-list Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Arroyo, humingi din ang BIR ng kopya ng SALN nina Pacquiao at Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica.

ANG GALING PINOY

BULACAN REP

CAMARINES SUR REP

CONGRESSWOMAN CYNTHIA VILLAR

HOUSE SECRETARY GENERAL MARILYN BARUA-YAP

KONGRESO

LINABELLE RUTH VILLARICA

MABABANG KAPULUNGAN

PACMAN

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with