MANILA, Philippines - Suportado ng IT provider ng Land Transportation Office, ang Stradcom Corporation, ang ipatutupad na internal audit ni LTO officer-in-charge Asst. Secretary Racquel Desiderio sa ahensiya.
“We are ready as always, to cooperate with the LTO as they start the audit process and initiate positive reforms that will open opportunities of improvement both in systems and personnel performance,” pahayag ni Margaux Salcedo, spokesperson ng Stradcom.
Ayon kay Salcedo, kahit na-delay ng limang buwan ang pagbabayad ng LTO sa mga services nito sa Stradcom, hindi nahinto ang operasyon ng ahensiya o naapektuhan ang quality service na naipagkakaloob nito sa publiko.
May kabuuang unpaid obligations ang LTO na P1.171-bilyon para sa serbisyo nito mula September 2010 hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi ni Salcedo na ang Stradcom ay may pangunahing tungkulin sa pagreporma sa operasyon at proseso sa LTO at responsable para sa networking ng lahat ng LTO offices nationwide para higit na mapabilis at mas maginhawa sa mga motorista angpagrerehistro ng sasakyan at pagkuha ng drivers license.