Walang bagong buwis - PNoy

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Aquin na walang bagong pagbubuwis na ipapatupad ang kanyang administrasyon.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa media interview, hindi iminumungkahi ng kanyang economic team na magpatupad ng bagong taxes sa kasalukuyan.

Aniya, ang prayoridad pa din ng kanyang administrasyon ay maging epektibo ang tax collections kaysa isiping magpatupad ng bagong pagbubuwis.

“At this present time, none of my economic managers are indicating that there is such a need. And again, the priority still is, improving the tax collection efficiency, paliwanag pa ni Aquino.

Aniya, may mga pending bills sa Kongreso na nag­nanais alisin ang mga tax exemptions kung saan ay masyadong luma na ang mga ito at kontra sa ibang incentives na binibigay.

Show comments