Zambales, Aurora, Masbate nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bahagi ng Zambales, Aurora, at Masbate kahapon, ayon sa ulat ng Philippine Philippine Institute of Volcanology and Seismology subalit wala namang iniulat na nasaktan dito.

Ayon sa Phivolcs, naranasan ang unang pagyanig sa Iba, Zambales ganap na alas 2:17 ng madaling araw. May kababawan lamang anya ang lalim nito na umabot sa 35 kilometer, at nagtala ng 3.7 magnitude.

Ganap na alas 6:33 ng umaga naman ng maramdaman ang pagyanig sa may Baler, Aurora na may babaw na 34 kilometer at may magnitude 3.1.

Sumunod dito ang Masbate na ang pagyanig ay nasa magnitude 1.1 at babaw na 35 km, ganap na alas 10:07 ng umaga.

Ang nasabing mga pagyanig ay tectonic ang origin at wala namang dapat na ikapangamba dahil pawang mahihina lamang ang mga ito.

Show comments