4 negosyanteng Hapon inireklamo ng employees
Manila, Philippines - Apat na Japanese officials ang nalalagay ngayon sa alanganin sanhi ng kasong sexual harassment, perjury o libel na isinampa sa kanila ng kanilang mga Pilipinong mangga gawa.
Si Masahiko Kitabatake, presidente ng Ingasco Inc., top provider ng industrial gases, ay sinampahan ng kasong sexual harassment sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City noong Pebrero ni Ingasco sales manager Fatima Hencianos, sa diumano’y sexual advance daw ng presidente sa isang party na naganap sa mismong opisina nila noong nakaraang taon.
Si Hencianos at ang kanilang cash disbursement manager na si Veronica Diaz ay nagsampa rin ng magkahiwalay na kasong libelo laban kay Kitabatake matapos silang akusahan ng trumped-up charges at magpaskil ng mga detalye nito sa bulletin board ng kumpanya.
Sina Hencianos at Diaz ay sinuspinde ni Kitabatake matapos umano silang paghinalaang kumikiling sa mga kumokontra sa pagsusog ng amended Articles of Incorporation (AOI) at by-laws ng Ingasco, kung saan ay inalis ang probisyon na ano-ano mang mahalagang decision o proyekto sa Ingasco ay maipatutupad lamang kung maaprubahan ng boto ng mga shareholders na humahawak ng at least 90% ng total shares ng kumpanya.
Tatlo pang Japanese director na nakaupo sa board ng Ingasco na sina Akihiro Marutani, Kunishi Hazama at Masahiro Shindo ang pinangalanan bilang res pondents sa isa pang kaso (perjury) laban sa kanila, na ngayon ay nakabinbin sa City Prosecutors ng Mandaluyong, dahil sa tangka nilang diumano ay linlangin ang Security and Exchange Commission (SEC) na naaprubahan ng mga shareholders ng kumpanya ang amended AOI and by-laws na nagtatanggal ng 90% voting requirement.
- Latest
- Trending